5 Factors na Nakakaapekto sa Reproductive Performance ng Inahin

5 Factors na Nakakaapekto sa Reproductive Performance ng Inahin

Hindi lahat ng breeding problem ay dahil lamang sa inahin. Maraming factors ang maaaring makaapekto sa reproduction.

1. Genetics

Mahalagang pumili ng tamang genetics depende sa purpose ng inyong breeding program.

Mayroong maternal lines, na ginagamit para sa reproductive traits, at terminal lines, na karaniwang ginagamit naman para sa production traits ng market hogs.

Para sa replacement gilts, binanggit ni Doc Teng ang Landrace at Large White bilang mga breed na maaaring isaalang-alang dahil sa maternal characteristics nila.

2. Breeding Management

Habang lumalaki ang farm, kailangan ding mag-adjust ang management.

Ang sistema na gumagana para sa limang inahin ay maaaring hindi na sapat kapag naging 20 o 30 na ang breeders.

Kasama rito ang tamang housing, breeding records, heat detection, feeding, sanitation at overall farm management.

3. Nutrition

Ang pagtitipid sa feeds ay hindi palaging totoong pagtitipid.

Kapag kulang ang nutrients na natatanggap ng breeder, maaaring maapektuhan ang body condition at reproductive performance nito.

Partikular itong mahalaga sa lactating sows dahil bukod sa sarili nilang maintenance requirements, kailangan din nilang gumawa ng sapat na gatas para sa kanilang mga biik.

4. Environment

Malaking factor ang temperatura.

Kapag sobrang init, maaaring bumaba ang feed intake at maapektuhan ang reproductive performance ng baboy.

Ayon sa discussion, desirable na mapanatili ang environment ng inahin sa humigit-kumulang 24–25°C, at maaari pang maging mas komportable sa mas malamig na kondisyon.

5. Disease at Toxicosis

Maaari ring makaapekto sa reproduction ang sakit at contaminated feeds.

Lalo na sa tag-ulan, kailangang bantayan ang feeds laban sa amag at moisture, dahil maaaring magkaroon ng problema sa feed quality.

 

Panooring ang buong video sa youtube. Link

Back to blog